Martes, Enero 5, 2016

UNANG PAGHANGA




Siya ang unang lalaking aking hinangaan;
Dahil sa kaniyang  angking kabaitan.
Siya ang nagsilbing aking inspirasyon;
Para maipagbuti pa ang edukasyon.

Siya’y lalaking sobrang mapagmahal;
Di lamang sa kapwa maging sa magulang.
Mahilig siya’ng tumugtog;
Kaya naman loob ko’y lalong nahulog.

Iniisip niya ang kanyang kapakanan;
Para sa kaniyang kinabukasan.
Dahil sa mga ugaling iyan;
Siya ang unang lalaking aking hinangaan.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento