Martes, Enero 5, 2016

PAGBABAGO SA AKING SARILI




               Paano kung sa isang iglap ang buhay mo bilang isang simple at tahimik na estudyate ay magbago dahil sa isang pagkakamali ? Ang buhay estudyante ay hindi madali dahil kailangan mo gampanan ang iyong mga tungkulin bilang isang estudyante. Kailangin mong gawin ang mga bagay na nakaatang sa iyo. Ngunit paano mo ito gagawin kung iba naman ang iniisip mo. Mahirap pagkasyahin ang oras sa bahay at paaralan kung uunahin mo ang mga bagay na hindi naman mahalaga. Alam ko malaki ang pagbabago na nangyayari sakin. Una hindi na ako tutok sa aking pag aaral dahil sa mga bagong gadgets na nauuso ngayon halimbawa na lang ang cellphone at computers na nauuso ngayon. Mas may oras sa pakikipagkuwentuhan sa kaibigan sa cellphone. Dahil sa laging paggamit ng cellphone hindi ko iniisip kung ano ang maaaring mangyari kapag hindi ko ito naiwasan. Hindi ko iniisip kung ano ang masamang dulot ng laging paggamit ng mga gadgets.

              Alam ko sa sarili ko na mali nga ang ginagawa ko,ngunit may ibang tao  na basta ka na lang huhusgahaan kahit hindi pa nila alam ang buong kuwento.Halimbawa na lang ang tampuhan namin ng aking kaibigan,nasaktan ako sa mga bulung-bulungan na ako ang lumalabas na masama dahil ako daw ang may kasalanan. Ngunit hindi nila masisira ang aming pagkakaibigan.Siya kasi yung kaibigan na malalaman niya agad kung ano ang problema mo.Kaya naman nangako kaming magkakaibigan na babaguhin naming ang mga gawain o mga bagay na sa tingin nila ay kailangan pa naming pagpursigihan.Naniniwala kami sa salitang “Growing stronger, Because of you “.Babaguhin ko ang mga pagkakamling nagawa ko noon at susubukang iwasto ngayon upang wala akng masaktang ibang tao dahil sa malaking pagbabago sa aking sarili.

1 komento: